Sa Kahit Anong Hirap





Magandang gabi mga Ginoo't Binibini , ang tulang ito ay aking isinulat sa panahon na ako'y nahirapan at duwag sa pagharap ng mga problema. Sa kabila nito, ako'y natuto at napagtanto na sa bawat pagsubok na darating may tutulong sa akin. Ito ay ang aking sarili. Kung kaya, kapag inyong nabasa ang aking akda sana'y makatulong sa inyo. Sa kahit anong pagkakataon sarili mismo natin ang makakatulong sa pagkamit ng ating pangarap sa kahit anong hirap na ating madadanas


Isang araw mula sa aking pag gising 
kislap ng aking mata'y parang napuwing
Buhay na mapayapa ay aking hiling
Sana nama'y dinggin ang mga hinaing 

O, pagsubok, piling akong dinadaya
Bumubulong, sa aking 'hindi ko kaya'
Nagsasabing ako ay duwag at lampa
Na ako ay walang sapat na halaga

Katawan ay isip ko ay nanghihina
Hindi na alam ang gagawin sa twina
Ito nga ba ay nagpapahiwatig na, 
ako'y susuko at hindi ko na kaya? 

Aking sarili ay napagdesisyunan
Pagmulat sa tunay na katotohanan
Na kailanman ay hindi susukuan
Minimithing nais kong pagtagumpayan.




Comments

Popular posts from this blog

Comparative Essay